Abante Tonite Interactive

Kakai, keribels ang bikining itim

By
27

BEST interpretation of a revival.

Iyan ang impression at ang I therefore conclude ng inyong diva that you love sa Bakit Nga Ba Mahal Kita version ni Kakai Bautista. Ang awit na orihinal na kinanta ni Roselle Nava ay national anthem ng Rosas Pandan Community.

Ang mga maricones, isama na natin ang mga babaeng bakla or fag hags para mas sosyalin, ay may addiction for unrequited love at mga kumplikadong relasyon

Feeling ko, lahat ng mga diwata at sirena are so programmed na magmahal kahit walang kapalit at isama mo na sa equation na hindi pa tayo marunong mag-compute, whether sa emotional or financial investment.

Kaya noong marinig natin sa radio ang kanta ni Roselle, music video at movie in my mind with matching tears na on cue na tumulo sa kanang mata natin ang mga kaganapan.

Kakai Bautista at AJ Dee
Kakai Bautista at AJ Dee

Itong bersyon ni Kakai, with its dramatic and lush musical arrangement, Bautista interpreted the anthem with so much emotional gravitas.

She gave it justice. At ika nga sa Miss Universe, “she nailed it!”

Galing sa kaibuturan of her puso and pudendum. Emotions pouring from her heart and flowing from her loins.

Taray!
“Hugot kung hugot,” say ni mareng ultra-maldita.

Gusto ko tuloy itong i-share ang video sa mga taga-Thailand. At nawa’y mapanood ito ni Mario Maurer.

I’m sure, isa si Mario sa mga sources of hugot ng dental diva.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ‘yung tingin ni Maurer kay Bautista nu’ng guests sila sa Gandang Gabi Vice para sa promo of the movie nila ni Erich Gonzalez.

True to her fag hag origins, itsurang a million miles away from you ang Thai superstar sa comedienne, pakiwari ko eh ginawa nila ang lahat to make their long distance friendship work.

Hindi ba’t dumalaw pa dati si Kakai sa Bangkok with matching pasalubong na adobo for Mario?

Favorite ni Mario ang adobo ni Bautista, huh?!
Gazillion ang bashing na tinanggap ni Kakai dahil sa pagiging malapit nila ni Maurer.

Ang ending, in true contemporary Pinoy melodrama, cry me a Pacific Ocean si Kakai nang magtapos with a tandang pandamdam ang kanilang “bawal na pagkakaibigan.”

Ang tila mas masakit, pinagbawalan na si Mario na makipag-communicate sa kanya and Maurer obviously followed the orders of his higher ups.

Hindi niya pinaglaban ang kanilang ispesyal na friendship.

***

Bago pa naganap ang kay Mario, naging mabait at malambing din si Bautista sa theater actor na si Jojo Riguerra.

Ang siste, may girlfriend na si Riguerra that time at pan-soap opera talaga ang plot, huh?
Kaibigan din ni Kakai ang GF ni Jojo and she was the last person to know about it.

The amazing twist and turns never stop sa isang drama queen like Bautista, hindi ba naman?
Asawa na ngayon ni Jojo ang babaeng inagaw ang lahat sa kanya.

***

Then, ang much talk about and much maligned best friendship nila ni Ahron Villena.
Totoo bang na-friend zone ang dental diva? Of late, nasa ibang kandungan na si Villena.

Kung kaninong kandungan, ang masasabi ko lamang, may pagka-50 shades of Kapwa Ko, Mahal Ko ang plot line of Villena’s love life.

Walang duda na ang lalaking maputing ito ay nakatulong at siguradong source din of Kakai’s heartfelt and tear-inducing interpretation.

***

Hindi ako masyadong bothered na may mga eksena si Kakai sa video na two-piece black bikini lamang ang suot.

Keribels niya naman. At video niya ito, so, dapat she maximizes her pangabog na moment.

Mas bothered pa ako sa fact na blandina ang hair ni AJ Dee. Nagmukha tuloy siyang straight-acting, curious, top pamhintang durog.

Congrats, Kakai!
More emotada encarnacion songs pa!

Pwede bang ang next song mo ay ang Bakit Di Totohanin ni Carol Banawa o kaya ang Tamis Ng Unang Halik ni Tina Paner?