Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva ‘birador’ ng Fuel Masters

0 79

Semis Games 3 ngayon: (AAUF gym)
4:00pm – TNT vs. Phoenix (series tied 1-1)
6:30 pm – Ginebra vs. Meralco (series tied 1-1)

Smart Clark Giga City – Masaya lang si Phoenix LPG coach Topex Robinson sa sipag ni Calvin Abueva.

“It’s always a joy to see Calvin be a different beast right now,” anang coach pagkatapos ng 110-103 Game 2 win kontra TNT noong Biyernes sa Smart 5G-powered AUF gym.

Malaking bagay ang 20 points, 15 rebounds, 4 assists at 2 steals ni Abueva kaya naitabla ng Fuel Masters ang series sa 1-1.

Iniinda pa ng top gunner ni Robinson na si Matthew Wright ang sprained ankle mula sa Game 1, umeksena ang The Beast.

“He knows that Matt is not 100 percent and he just kept on promising that, you know, when he wasn’t around Matt was there for him. Eto ngayon, sabi niya nawala naman si Matt, siya naman ‘yung babawi.”

Hindi lang si Calvin, nangulit din sina Jason Perkins (21 points), Justin Chua (18 points, 8 rebounds), RJ Jazul (16 points), RR Garcia (12).

“Wala si Matt, eh, kailangan namin mag-step up, kami lahat. At nagawa naman namin,” pahayag ni Abueva. “At ‘yung pinapagawa ni coach Topex, sinasabi niya patient lahat sa executions at plays namin.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.