Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakampink palpak ang kampanya; super saklap sa mga sumuportang artista

0 87

NI: CRISTY S. FERMIN

Ang mundo ng showbiz at ng politika ay eksaktong magkatulad ngayon. May isang mukha na nakangiti at ang isa naman ay malungkot.

Sa panahon ng pandemya na ang akala natin ay hindi gaanong magpapakalunod sa politika ang mga artista ay saka naman sila naglabasan at parang mga palakang naulanan na nagkani-kanya na ng mamanuking politiko.

Parang nahati lang sa dalawang partido ang kanilang sigaw. Sa Kakampink at sa Berde at Pulahan. Nagkaroon ng mga parinigan, ng mga patagilid na kantiyaw, may mga magkakaibigang pinaghiwalay ng kulay na kanilang isinusulong.

Dumating na ang araw ng paghuhukom. Nagsalita na ang sambayanan. Magbago man ang mga numero sa pagitan ng BBM-Sara at VP Leni Robredo-Kiko Pangilinan ay kitang-kita na ang malinaw na larawan.

Literal na pinakain ng alikabok ng Uni-Team ang Kakampink. Kalahati ang kalamangan nina BBM-Sara sa kanilang mga katunggali. Napakasaklap na katotohanan ‘yon para sa mga pambato ng tropa lalo na para sa kanilang mga tagasuportang artista.

Madiing reaksiyon ng kaibigan naming propesor, “Masyado kasing nilait ng mga Kakampink si BBM! Wala ka nang maririnig sa kanila kundi magnanakaw, magnanakaw, magnanakaw! Ayun tuloy, sila ang ninakawan ng inaasahan nilang boto ng mga nabuwisit na kababayan natin!

“Mali ang taktika ng kampanya nila! Nasa Pilipinas sila! Sa bansang ito, habang dinidikdik mo ang isang tao, habang nilalait-lait mo, e, kinaaawaan! Wrong strategy, ibitin nila sa puno ang kung sinumang nagpasimuno sa kampanya nila!” inis na inis na komento ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.