Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakie nangulit sa PangPang couple

0 202

In fair Verona kay Kakie Pangilinan, may makulit na side rin pala ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta kay Senador Kiko Pangilinan.

Mas madalas ang political hanash at kuda ni Kakie ang nabibigyang pansin pero dahil nga sa PangPang couple,ang tawag sa partnering nina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan na mga bida sa BL drama people are seeing the opinionated young Ms. Pangilinan in a different light.

Sa YT video na kasama ang kanyang”dads” sa chikahan, tamang kulit, kenkoy at sosyalin ang pag-LOL ni Kakie, huh! Ang kanta niya kasi, ay isa sa mga anthem sa BL drama na kalembang factor ang inihahatid sa mga diwatang may colegiala aspiration at sensibility.

Kwento ni Kakie, dream come true para sa kanya na ang kanyang kanta ay ginawang theme song of the BL soap and sakay-sakay siya “landian” nina Ian at Paolo na mga “tatay” niya kunyari at siya ang kanilang daughter.

The three share the same last names but has no blood relations whatsoever and hindi ba more than it being “cute,” super cosmopolitan at progressive na “ama” ang turing niya sa dalawa.

Ang diva that you love, hindi itatanggi na si Ian Pangilinan na ang bago kong mahal. Break na tayo Xian Lim! Charot! Hahahaha!

Naway tuloy-tuloy na ang pagiging singer at song writer ni Kakie Pangilinan. Maganda ang likhang kanta niya, ang “tyl,” ito yung kantang Vlad (katauhan ni Ian) was listening and dancing to while intoxicated.

Panalo ang groove ng song. Shalang-shala talaga.

MGA CHIKANG DAHOP:Si Heaven Per alejo, biglang naging starlet no more ang status. Siya lang naman kasi ang pinalit kay Julia Barretto sa “Bagong Umaga” na dating “Cara y Cruz.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Off to greener pastures si pretty Ms. Barretto sa bago niyang pamunuan kaya kahit pa nga ang claim to fame lamang ni Peralejo na tanda nina Aling Tacing at Mang Victor ay naging jowa siya ni Jimwell Pacquiao, ayan bida na siya agad.At si glorious Tony Labrusca pa ang kapareha.

Naway mabura na ang mga pangit na chika dati kay Heaven at may bagong umaga ngang dumating sa kanilang programa. Sana naman ay may manood at huwag sila-sila lamang.

Eh ang pagiging kamukha ni Jessa Zaragosa at parang Sheena Halili with added Maja Salvador ang transformation ni Janine Berdin, bigla niyo bang kinanta ang “alin, alin, alin ang naiba. Isipin kong alin ang naiba?”

O mas matataray kayong lahat my TONITE readers, the WHO si Bb. Berdin? Ang savage! Hahhahaha.

Eh ang bagong figure ni Elha Nympha na from tabachingching teen ngayon eh 20 pounds ang nabawas .

Very slight manner, parang mapapagmasdan mo na siya at hindi dadaanan na lamang?

The WHO times two si Bb. Nympha? Hahahaha. Kung sino man ang career planners ni Elha, dapat super drop na niya ang “Nympha” sa kaniyang career name. Baka isipin ng laging pregnant with their thoughts na ngayong balingkinitan na siya, sasabak na siya bilang the very first singing bold nymphet. Charot! Hahahhaha.

Eh sa mga nag-body shame kay Xyriel Manabat na may paglaki-laki at dibdibang pagbabago, are you so freaking excited!

Ay! The WHO times three si Xyriel. Yun na! Tama na! Tigilan na ito. Pigilan na ang diva that you love. Magbabu na tayo sa mga the WHO.

Leave A Reply

Your email address will not be published.