Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakie pinalalayas sa `Pinas

0 109

NI: CRISTY S. FERMIN

Kung ang masasakit na salita ay literal na sumusugat sa katawan, siguradong wala nang bakanteng makinis na bahagi ng katawan ngayon ang panganay na anak nina Senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta, punumpuno na ng galos at sugat ang buong katawan ni Kakie Pangilinan.

Matapang na post ni Kakie, “I am not going to have my president be named Ferdinand Marcos ever!” Nagpahayag din ang dalaga na ang resulta ng eleksiyon ngayon ay matagal nang nabili.

Natural lang na nag-umalsa ang mga tagasuporta ni BBM na milya-milya na ang kalamangan ng boto ngayon kay VP Leni, umuwi sa personalan ang mga birada, busog na busog sa kanegahan si Kakie.

Punumpuno rin ang You Tube ngayon ng mga vlogs na umaatake kay Kakie, ang sabi ng isang nagsalita, “Itong si Kakie, kapos na nga sa ganda, e, nagmamaldita pa! Kung ang ate nga niyang si KC na pagkaganda-ganda, e, walang sinasabing anumang nega, siya pa ba ang aarte ng ganyan!”

Litanya naman ng isa pa, “Puwes, kung ayaw niyang maging Ferdinand Marcos uli ang presidente ng Pilipinas, e, lumayas siya! Panindigan niya ang mga kuda niya! Alis, alis!”

Isang kababayan naman natin ang nagpaalala kay Kakie na pag-aralan at saliksikin niya ang nakaraan. Magdahan-dahan daw sa pagsasalita ang anak nina Kiko at Sharon dahil siguradong sosoplakin siya ng katotohanan.

“Ang lolo niyang si Ka Ambo, ilampung taon na naging mayor ng Pasay City. Ama ng ina niya si Ka Ambo! Napakalaki ng ginanansiya ng pamilya Cuneta nu’ng rehimeng Marcos, puwede ba?

“Research-research muna sa nakaraan bago kumuda para hindi mapahiya! Hindi ba ‘yon ikinukuwento sa kanya ng nanay niya?” madiing sabi ng ating kababayan.

Huwag na lang sana silang pinagkukumpara ni KC Concepcion. Isa lang ang kanilang ina pero magkaiba ang kanilang ama.

Aminado naman si Sharon na napakaguwapo ng ama ni KC kumpara sa tatay ni Kakie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.