Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakie tinangging may mental disorder si Sharon

0 126

Hindi inurungan ni Frankie Pangilinan ang isang basher sa Twitter na nagkomento na dahil daw siguro sa kanya kaya nagkakaroon ng panic attack ang ina niyang si Sharon Cuneta.

“Full of angst, this girl. Perhaps that’s the reason why the mom is having intermittent anxiety attacks. @kakiep83
and Sen @kikopangilinan, please have pity on Mega @sharon_cuneta12,” ang komento ng basher.

“First of all where have u been miss ma’am angst is the genetic code of this generation,” ang unang bwelta ni Kakie (nickname ni Frankie).

Sagot naman ng basher, “it’s just an observation. No need for that expression (wtf).”

May isang netizen na ipinagtanggol si Kakie at aniya, “dude u dont reduce her moms anxiety attacks because of her angst. Surely you dont know enough about psychological issues.”

Dito na nilinaw ni Kakie na walang anxiety attacks ang kanyang ina.

“Also my mom doesn’t have anxiety attacks the misinformation is real,” tweet ni Kakie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabihan din niya ang basher na huwag daw i-disrespect ang kanyang ina at huwag ding akusahan ng hindi totoo regarding mental health.

“You don’t publicize your convoluted assumptions about my mother’s mental health without me calling you out. i don’t care what you think about me. but you don’t ever disrespect my mother like that — not by misrepresenting a very real mental health condition she doesn’t suffer from,” mensahe ng dalaga.

Ayaw ding paawat ng basher at nakipagsagutan din kay Kakie. Reply niya, “that’s not disrespect, Kakie. It’s an observation. People do get anxiety attacks when there’s too much pressure.”

Muli ay nagbigay ng mensahe si Kakie para sa lahat partikular na obviously sa kanyang basher.

“Guys, take notes please. 1) do not EVER diagnose a public figure you know nothing about. 2) do not EVER blame people for your own assumed views on mental health 3) don’t try to push a false narrative onto someone who has suffered from actual clinical anxiety since she was 14,” payo ni Kakie.

Sagot naman ng basher, “I am sorry to hear that.”

Marami naman ang pumuri sa pagiging matapang ng dalaga ni Sharon at Sen. Kiko Pangilinan at sinabihan din ang basher na unethical ang ginawa nitong pagsasabi in public ng mental condition ng isang tao especially kung hindi naman ito sigurado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.