Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kakosa tinodas sa kinupit na pera

0 370

Dahil sa nawawalang pera, patay ang isang binata nang paluin ito sa ulo, ng kanyang dating kakosa sa Catanauan, Quezon noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Elvin Llanita, 26, residente ng Brgy. Tagbacan Silangan, Catanauan.

Ayon sa report ng Catanauan Police, pinagpapalo ito ng kahoy sa ulo hanggang sa mapatay ng suspek na si Joelito Astorias, 37, matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa nawawalang pera ng tatay ng suspek.

Dating magkasama sa kulungan ang dalawa at naging magkaibigan. Nang kapwa makalaya, pinatuloy ng tatay ng suspek ang biktima sa isang bakanteng bahay na pag-aari ng pamilya.

Subalit nagtalo ang dalawa matapos pagbintangan ng suspek nang pagnanakaw ng pera ang biktima.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.