Abante Tonite Interactive

KALABAN NI DJOKOVIC HUMIRIT NG SELFIE

5

DOHA, Qatar — Kapwa nagposte sina defending champion Novak Djokovic at top-seeded Andy Murray ng straight-set wins, Miyerkules (Huwebes sa Manila) para umabante sa Qatar Open quarterfinals.

Pero may kakaibang eksena matapos ang laro, nang ang kalaban ni Djokovic ay humirit ng selfie.

Pinagbigyan naman ni Djokovic, 12-time Grand Slam champion, sa kakaibang request ni Horacio Zeballos ng Argentina, matapos ang kanilang laro kung saan magaang nagwagi ang defending champion, 6-3, 6-4.

“I just have to mention making a selfie after the match was over, that was the first time that I ever had this kind of experience in my career,” sambit ni Djokovic. “So, Horacio, well done. Very original.”

Hindi naman naging madali ang laban ni Murray kay Gerald Melzer ng Austria, nakababatang kapatid ni former world No. 8 Jurgen Melzer, bago umusad sa quarters sa pamamagitan ng 7-6 (6), 7-5 win.

“He played great, great tennis and was dominating large parts of the match,” lahad ni  Murray,  na laging nasa depensa sa kabuuan ng laro.  “He made it extremely, extremely difficult. I was a bit lucky to through in two sets today.

Makakalaban ni Murray sa quarters si Nicolas Almagro ng Spain. Habang si Djokovic ay haharapin si Radek Stepanek ng Czech Republic.