Abante Tonite Interactive

Kalaban ni Ellen bumagsak ang panga kay John Lloyd?

By
4,446

Walang duda na si Ellen Adarna na talaga ang pi­nakamaganda at may pinakamahabang buhok na babae sa balat ng lupa.

Bakit kaniyo? Aba naman, sa rescheduled preliminary investigation ng mga reklamong child abuse and cybercrime na isinampa laban sa kanya, ang kanyang boyfriend na John Lloyd Cruz lang naman ang tumayong kinatawan niya.

Ang mga magulang ng teenager na si Eleila Santos na siyang nagsampa ng kaso, na-shock, tulala at bumagsak kaya ang kanilang collective panga sa estrella presence ni Lloydie?

He is obviously doing this grand gesture for love. Mahal niya talaga si Adarna, siya ang tumayo para rito sa Pasig City Office of the Prosecutor kung saan dumating si Cruz kasama ang legal counsel ni Ellen.

Sa June 25 kaya, haharap na si Ellen Adarna na alam nating lahat na buntis na, o ang kanyang minamahal muli ang kanyang magiging kinatawan?

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata at kapag dumating na ang mediation, nawa’y makapag-usap nang maa­yos ang lahat para sa emotional health ng lahat.

***

FOR the love of country? Kung ako sa bagong FAMAS Best Actress na si Agot Isidro, wala na akong pag-iisipan pa kung tatakbo ba ako bilang senadora o hindi. Ang sagot niya, agad-agad ay “No! Nada! Nay! Hindi! Ayoko!” At lahat iyan, may tandang pandamdam!

Agot ‘wag pumasok sa piitan

Bakit kaniyo? Hindi sa pinapahina ko ang kanyang lakas, yaman, ganda, at katalinuhan bilang babae pero mas mapapagsilbihan niya ang mga kapwa niya Pilipino at ang Pilipinas niyang mahal kung hindi siya senadora.

Maraming given sa politika at sigurado naman akong alam ni Isidro, hindi ito para sa faint hearted and it takes a lot of courag­e and vagina pounding to face and battle it out head on with the pack of wolves in sheep’s clothing.

Sapat na dahil sa matatapang at prang­kang mga social media post, ang mga tao ay nabubuhayan ng loob, naka­kapag-isip, at may mga matang bumubukas at nakikita na ang liwanag.

Agot, ‘wag kang pumasok sa piitan ng mga leon at serpiente. Magagan­dang mga pelikula na lang ang iyong pagkaabalahan. At tuloy ang pagiging totoo sa iyong social media. Ayos na ayos na iyon.

Sugarpop nagkulitan

FOR the love of youth, nakakabata at sobrang good vibes na mapanood ang video posting kung saan makikita na ang mga dating members ng Sugarpop, kung saan kasali sina Julie Anne San Jose, Anne, Pocholo Bismonte, Renzo Almario, Vanessa Rangadhol, at Rita Daniela ay magkakasamang muli.

May kulitan, may kantahan, may sayawan at alam pa nila ang dance moves nila dati, huh!

In fairness, si Pocholo, pwedeng pang heartthrob in a very Korean kind of way kasi singkit at balingkinitan. Sina Renzo at Va­nessa, walang duda na they still have their best asset, ang kanilang singing.

Panalo sigurong idea, ngayong estrella na ang karera ni Julie Anne at si Rita Daniela ay isang young vixen at musical theater actress, pagsama-samahin sila sa isang reunion concert o kaya gawin silang Pinoy Pop group na pwedeng mahalin, suportahan at yakapin ng mga kapwa nila millennial.

We all know there is so much room for talents na mahusay talaga sa pagkanta at pagsayaw. Wala tayong twentysomething sing and dance group sa kasaukuyan at silang mga dating Sugarpop, can fill the void.

Ang mga talentadong singer na katulad nila dapat more chances of winning na makapag-perform at mapasaya ang mga tao. ‘Wag na nating i-encourage pa ang mga non-singer na i-pollute pa more ang showbizlandia. Let us give Sugar pop their rightful moment to shine anew!