Abante Tonite Interactive

Kalaban ni Nadal nakabitin pa

197

Nabitin ang pag-aabang ni Rafael Nadal ng makakatapat sa French Open final dahil sa ulan.

Biyernes nang gabi ay sinuspinde ang semifinal match nina Novak Djokovic at Dominic Thiem.

Nanganganib pa ngang matuldukan ang 25-match grand slam winning streak ni Djokovic dahil lamang si Thiem 6-2, 3-6, 3-1 nang itigil ang laro.

Sina Djokovic ay Thiem ang unang nakaiskedyul sa Court Philippe Chatrier sa Roland Garros.

Hinihintay ni Nadal sa final bukas ang winner ng Djokovic-Thiem match.

Sunod na sasalang sina No. 8 Ash Barty ng Australia at unseeded 19-year-old Marketa Vondrousova ng Czech Republic para sa women’s championship.

Walang big names sa women’s final, unang pagkakataon na susubok sa grand slam title sina Barty at Vondrousova. (VE)