Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalabit ng multo

0 303

Mga ka-#Misteryo nakalabit na ba kayo ng multo? Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Eric ng Cavite ay Ilang beses na rin umanong nakalabit ng multo saan man siya magpunta, sa trabaho, sa bahay at kahit saang lugar.

Inamin ni Eric sa Misteryo na sensitibo siya sa mga enerhiya lalu na ng mga nilalang sa kabilang dimensyon at maging mga multo.

Misteryo: “Paano yun? Ano ang dahilan bakit ka kinakalabit ng mga multo o nilalang sa kabilang dimensyon?”

Eric: “Ewan ko pero may mga sumasagi sa isip ko tuwing may kumakalabit sa akin? May gusto na dasal, pasabi sa kaibigan o kaya gusto lang talaga mangulit.”

Misteryo: “Pero teka paano yung pasabi sa kaibigan, pinupuntahan mo ba kaibigan ng multo buti malinaw yung name at kung saan nakatira?”

Eric: “Mahirap nga yun kasi una maniniwala ba sila na totoong kaibigan nilang namatay ang nakausap ko? Bihira ko gawin yun but nagawa ko yun sa mismong friend ko, yung close friend na namatay may pasabi sa parents o relatives.”

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Misteryo: “Hindi ka ba naiirita kapag kinakalabit ka ng multo? Hindi mo ba sila nakikita?”

Eric: “May time lang kapag sobrang busy sa work, siyempre annoying di ba? Pero sinasabihan ko na lang wag makulit at may time nagagalit talaga ako sa kanila. Hindi ko sila nakikita. Naririnig ko lang voice nila.”

Misteryo: “Hindi ka ba nagsisisi at may ganyan kang gift? Yung iba kasi ayaw nila parang Hindi raw nakakatulong sa buhay nila.”

Eric: “Dyan sila nagkakamali kasi maraming time naligtas ako sa aksidente dahil narinig ko sila. May time may warning din sila sa decision making ko. Kaya para sa akin may benefit din naman.”

Sinikap natin makausap si Eric tungkol sa karanasan niya para mabigyan ng solution ang problem ng ibang psychic na nakukulitan sa mga multo.

Para sa inyong kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.