Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalaboso `pag may nanggulo sa eleksiyon – Duterte

0 45

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkagulo pagkatapos ng eleksiyon.

Sinabi ito ng pangulo sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy at binigyang-diin na siya pa rin ang nakaupong pangulo hanggang Hunyo 30, 2022 kung kaya’t hindi niya hahayaang magkaroon ng kaguluhan.

“Maniwala ka diyan. You know, during the elections and before the new president takes over, I would still be President. If you do that I will drag you, I’ll put you inside,” pahayag ng pangulo kaugnay sa sinabi umano ng dalawang presidential candidate na magkakaroon ng destabilisasyon sakaling manalo si Marcos.

Nagbanta ang pangulo na ipakukulong niya ang mga gagawa ng kaguluhan at dadalhin ang mga ito sa istasyon ng pulisya na may maruming kubeta.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi hahayaan ng mga pulis at sundalo na umiral ang kaguluhan habang siya pa ang nakaupo dahil tiyak na may kalalagyan ang mga nagbabalak na magpasimuno ng kaguluhan.

Samantala, tiniyak din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mamamayan na magiging “very peaceful” ang halalan na gagawin sa Lunes, Mayo 9.

Wala aniyang namonitor ang pamahalaan na anumang banta sa pambansang seguridad at kung mayroon man ay `isolated’ lang.

Naniniwala rin si Lorenzana na hindi magkakaroon ng kaguluhan sa magiging resulta ng botohan.

“After the election I don’t think na magkakaroon tayo ng kaguluhan dahil sabi ko nga kung sino iyong ipo-proclaim ng COMELEC ay iyon ang iri-recognize natin na nanalo, kung sino ang i-proclaim,” ani Lorenzana. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.