Abante Tonite Interactive

Kalagitnaan ng April pa makikita ang epekto ng ECQ

1,113

Nagdesisyon ang gobyerno na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) upang makita sa mga datos kung may malaking epekto ang lockdown para mapigilan ang pagkalat ng new coronavirus, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa ginanap na virtual news conference, sinabi ni Nograles na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Dutere ang rekomendasyon ng

Inter-Agency Task Force on the coronavirus pandemic (IATF) na i- extend ang Luzon-wide quarantine ng dalawang linggo pa para maiwasan ang pagkalat ng virus .

Layunin ng extension na mapalakasa ang mga hakbanging pinapatupad ng bansa para ma-contain ang virus na nakaapekto na sa may 3,764 na katao na nag-positive.

“Yung totoong nagkaroon talaga ng ECQ, yung full ECQ natin, ay nangyari talaga nung March 15. Dun mo talaga naramdaman at nakita yung effect ng implementation ng ECQ. Base sa siyensa at agham, and the way we understand the virus, yung sintomas ay maaaring lumabas between five and 14 days from the time of your infection. So, sagarin na natin ng 14 days yan, ibig sabihin kung tayo ay nag -ECQ ng March 15 kailan natin makikita ang earliest effect ng ECQ? March 15 plus 14 days equals March 29,” paliwanag ng IATF spokesperson.

“Base sa ating epidemiologists, mga scientists, mga mathematicians, at mga eksperto, March 29 lang natin makikita yung earliest effect ng ating ECQ, para malaman talaga natin kung tama ang ginawa natin, kung ano ang naging effect ng ECQ dito sa Luzon. Base din sa ating mga experts, ang most likely na makita natin na mas klaro ang naging effect ng ECQ most likely makikita natin ng mid-April,” ayon kay Nograles.

“You need to give us at least mid-April to study the effect of the ECQ, yun ang sinasabi ng ating mga eksperto. Kaya humihingi tayo ng extension up to April 30 para, unang-una, ma-measure talaga natin kung ano yung full effect ng ECQ. Pangalawa, para ma-increase pa natin lalo yung health capacity ng Luzon at ng buong bansa. Yun po ang reason natin,” dugtong pa nito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad