Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalaguyo ni misis inutas

0 67

Bawal na pag-ibig ang sinasabing dahilan kung bakit binaril at napatay ang isang lalaki ng mister ng babaeng nakarelasyon umano ng biktima sa Bantay, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng Bantay Police Station (BPS) ang biktima na si Michael Angelo Balaroso, 30-anyos.

Ayon kay BPS office-in-charge Major Pol Areola, dumating sa inuupahang bahay ang biktima kasama ang kinakasama nito na itinago sa pangalang Karen.

Subalit bigla rin umanong dumating ang suspek na kinilalang si Ian Christian Carte, asawa ni Karen.

Sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Balaroso at Carte hanggang sa binaril ng suspek ang biktima.

Tumakas ang suspek kasama ang kanyang asawa (Karen) ngunit naaresto ito habang patungo sa bayan ng Magsingal at nakumpiska rin sa kanya ang baril na ipinutok sa biktima.

Hindi nagbigay ng pahayag si Carte subalit inamin umano ni Karen na nakarelasyon niya ang biktima.

Nais naman ng mga kaanak ng biktima na mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Balaroso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.