Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalahating staff ng ASAP lumipat sa kalaban

0 244

NI: Mildred A. Bacud

Kalahati pala halos ng staff ng ASAP ay nasa TV 5 na at nasa Sunday noontime show nila.

Ayon sa nagtsika sa amin, hindi naman nakakapagtaka dahil ang ama nga ng Star Magic ay naroon na, si Johnny Manahan.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa aming source, tempting offer daw talaga maging sa staff ang dahilan kung bakit sila lumipat which is understandable naman dahil need nila ang pera. Pero ang nakakaloka ay ang talent fee ng mga artista. Not times 3 pero more than pa raw ang offer kaya naman hindi na nakatanggi ang iba.

Katwiran pa raw ng isang aktres, tumatanda na siya at need na niyang makapagtabi.

Pero teka, hindi naman siya nawalan ng proyekto nu’ng nasa ABS-CBN siya. Wala ba siyang naipon?

How true na maski papaano ay masama ang loob ng pamunuan ng Kapamilya network sa mga artista nilang umalis gaya nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Beauty Gonzales, Dimples Romana , Ian Veneracion atbp. ? Kaya naman pala na-appreciate ng management ang sinabi ni Daniel Padilla na hindi nila iiwan ni Kathryn Bernardo ang ABS-CBN hanggang sa makabangon ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.