Abante Tonite Interactive

Kalahi ni Jade malaki ang naharbat

502

Sobra-sobra na ang inaning tagumpay ng isang female personality sa siyudad na pinamunuan ng kanyang mahal. Nawala man sila sa puwesto ngayon ay bawing-bawi na ang babaeng personalidad.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng nasa po-der pa ang karelas-yon niya, e, walang direktang makapagpapasok ng project sa city na ‘yun nang hindi dumadaan sa kanya.

“‘Yung malalaking projects, siguradong sa kanya muna dadaan ‘yun, ganu’n siya ka-powerful nu’n sa lugar na pinamunuan ng karelasyon niya,” sabi ng source.

At maugong ang usap-usapan sa nasabing siyudad na malaki rin pala ang kanyang ambisyong manungkulan. Kung nanalo pala ang karelasyon niya nu’ng nakaraang eleksiyon ay siya na ang nakaplantil-yang sumunod.

Madiing sabi ng source, “‘Yun ang totoo! Naka-dra-wing na ‘yun! Siya na ang susunod na kakandidato sa city. Pero sorry na lang sa kanya, naunsiyami ang pangarap niya, olat ang mahal niya,” mabilis na komento ng aming impormante.

Hindi na nga maghihirap ang female personality mabuhay man siya nang kahit ilang dekada, nakapag-ipon na siya, sigu-rado na ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Panghuling sultada ng aming source, “Ganu’n talaga ang mga kalahi ni Jade, sigurista, malayo pa ang tag-ulan, nakahanda na. Kabog pa nila ang mga trulili, di ba?

“Ang mga tunay, e, simple lang, tahimik lang, pero ang mga two ninety five, parang langgam! Kung nasaan ang asukal, nandu’n din sila!” pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Erap nagkamarkang talunan

Ang mundo ng pulitika ay parang showbiz din. Pana-panahon lang. Ang nakaposisyon ngayon ay puwedeng maagawan ng silya bukas, kung paanong ang sikat na personalidad kapag hindi nag-ingat, kukupas din ang kinang ng bituin.

Ang naganap sa pamilya Estrada ay hindi inaasahan, pero nagsalita na ang bayan, kailangan nang magpahinga ng kanilang pinakaulo na dating Pangulo.

Pareho na sila ngayon ni dating Senador Juan Ponce Enrile na sinasabihan ng ating mga kababayan ng linyang, “Ang gusto ko, magpahinga ka na!”
Kunsabagay ay wa­la nang kailangang patunayan pa si Mayor Erap, limang dekada na ang kanyang pagseserbisyo-publiko, nakalulungkot lang na sa pagsasarado niya ng libro ng kanyang pagiging pulitiko ay nagkaroon siya ng markang talunan.

Pero siya na rin naman ang nagsabi, weather-weather lang ‘yan, kapag taumbayan na ang humusga ay kailangan na nating tanggapin ang katotohanan.

Bong nakakanerbiyos ang posisyon

Hiling ng kanyang mga tagasuporta na sana’y huwag nang gumalaw pa ang kanyang numero, kumilos man ay dagdag sana, huwag kabawasan.

Nasa number 11 ngayon si dating Senador Bong Revilla, kaunting boto na lang mula sa ibang bansa ang hinihintay para maiproklama na ang labingdalawang nagtagumpay na senador, pero totoong-totoo na nakakanerbiyos pa rin ang kanyang posisyon.

“Dasal lang,” bukambibig ni Mayora Lani Mercado, na tunay naman, dahil wala nang mas makapangyarihan pa kaysa sa kalooban ng Diyos.

(Kahapon nang umaga ay naiproklama na ang labingdalawang nanalong senador. – CSF).

Enrico nakilatis na ang mga totoong kakampi

Ang halos walong libong kalamangan ni Mayor Enrico Roque sa kanyang katunggali ay hindi na makukuwestiyon kahit pa lumuha ng bato ang kanyang kalaban.

Nakakatulog na nang mahimbing ngayon ang mayor ng Pandi, Bulacan, tapos na ang laban, nagsalita na ang kanyang mga kababayan.

Markado para kay Mayo­r Enrico ang eleksiyong ito dahil napatunayan niya kung sino talaga ang kanya at hindi. Nagkakitaan sila ng kulay, totoo ngang may mga taong kapag tapos na ang kailangan at meron nang bagong didikitan ay nakalilimot na sa kahulugan ng tunay na pagkakaibigan, umiigsi na ang memorya.