Abante Tonite Interactive

Kalansay ng aktres, nahalukay

By
1,994

Dahil sa isyu ng agawan na ikinakapit ngayon sa isang kilalang female personali­ty ay maraming kalansay ang nahuhukay ngayon ang mga impormante tungkol sa kanya.

Ang dami-dami! Ang dalawa sa mga ito ay malinaw na ikinuwento ng isang source na palaging nakasubaybay sa mga pinaggagagawa ng aktres.

Sabi nito, “Talagang hindi pa rin siya nagbabago ng style. Alam niya naman na bulok na ang style niya, pero sige pa rin siya nang sige! Dati na siyang ganyan, e!

“Kaya hindi maalis-alis ang galit sa kanya ng isang female personality, e, dahil sa ginawa niyang pag-eksena habang nagsasama pa ‘yung girl at ang husband niya.

“Ipinipilit niya na tapos na raw ang relasyon ng dala­wa, pero hindi pa naman, kaya hanggang nga­yon, e, halos isumpa pa rin siya nu’ng babaeng tinapa­kan niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Ang ikalawa ay ang pakikipagrelasyon ng aktres sa isang pulitiko sa bandang South nu’ng bata-bata pa siya. Spoiled siya sa pulitiko, lahat ng hingin niya ay ibinibigay nito, pero may nadiskubre ang may edad nang politician.

Balik-kuwento ng source, “Napakaliit lang naman kasi ng mundo, ‘di ba? Nakara­ting du’n sa pulitiko ang information na meron palang guwapo at batambatang boyfriend si Ate Girl.

“Kumbaga, ‘yung tinatanggap niyang mga biyaya mula sa politician, e, ibinibigay niya naman sa boyfriend niya. Natural, nagalit ang pulitiko, nu’ng sumunod na manghingi-maglambing na naman siya ng datung, deadma na sa kanya ang politician!

“Ilang ulit pa rin siyang tumawag, hoping na makakahingi pa rin siya ng anda, pero talagang binitiwan na siya nu’ng taong naging mabait sa kanya! Hay, naku!

“Mula nu’ng bagets pa lang siya hanggang ngayon, ganyan pa rin ang mga ginagawa niya! Girl, ang style mo, bulok na!” pagtatapos ng aming impormante.

Aktor di naka-kapagbayad sa abogado

Nakagugulat ang impormasyong nakarating sa amin na hindi pala nakapagbabayad sa kanyang abogado ang isang pamosong male personality na nasasangkot ngayon ang pangalan sa mil­yunang halaga.

Una, hindi responsable ang aktor, meron naman siyang maipambabayad pero pinababayaan niya ang kanyang abogadong tutok na tutok sa mga kasong isinampa laban sa kanya ng dati niyang karelasyon.

Parang hindi kapani-paniwala ang kuwento, pero hindi ‘yun kathang-isip lamang, nasaan na ang mil­yun-milyong halagang ipinaaako sa male personality?

Sunshine,Ynez walang ‘k’ kalad-karin anak ni Dupaya

Napakasakit para kay Sunshine Cruz ng mga naging pahayag ng kanyang kalabang si Ms. Kathy Dupaya tungkol sa kanyang pagi­ging boldstar noon. Dalawa sila ni Ynez Veneracion na tinawag na boldstar ng negosyante.

Nag-ugat ‘yun sa diumano’y ginagawa nilang pagpapadala ng mensahe sa special child ni Kathy, masamang-masama ang loob ng businesswoman, na madali namang maintindihan.

Sa punto ng emosyon, kahit pa bilyun-bilyong piso ang pinagtatalunan nila ngayon ay wala nga namang karapatan sina Sunshine at Ynez na kaladkarin sa usapan ang hearing impaired na anak ni Kathy Dupaya, magrambol na sila hanggang gusto nila pero hindi dapat madamay ang bata sa kanilang argumento.

Du’n ngayon nabubutasan ng mas nakararami sina Sunshine at Ynez, sabihin nang nagdadrama lang si Kathy Dupaya para mailiko ang isyu ng kanyang mga pagkakautang, ang ginawa nila sa anak ng negosyante ay hindi maganda sa panlasa.

Napakasakit nu’n para sa isang ina.