Abante Tonite Interactive

Kalansay ng rape-slay victim nadiskubre sa Puerto Princesa

By
9

Hinihinalang ni-rape-slay ang isang babaeng wala pang pagkakakilanlan na natagpuan ang kalansay sa isang masukal na lugar sa Brgy. San ­Pedro, lungsod ng Puerto Princesa kahapon ng umaga.

Tinatayang may isang taon ang magkakahiwalay na bungo at mga buto ng biktima dahil tuyot na ito nang matagpuan ng isang residenteng na­ngunguha ng panggatong sa nabanggit na lugar na kaagad na itinawag sa mga awtoridad ng Puerto.

May hinalang ginahasa ang biktima sa nasabing lugar at doon na din pinatay dahil sa mga ­natagpuang short, blouse, tsinelas at bag ng ­biktimang sinadyang ‘di muna pinangalanan para ‘di mabulabog ang imbestigasyon at agad mahuli ang salarin.