Abante Tonite Interactive

Kalansay ng sanggol sa niyugan sa Albay

By
13

Isang kalansay ng sanggol ang natagpuan sa isang coconut plantation kahapon ng umaga sa Polangui, Albay.

Ayon sa Polangui Police, dakong alas-9:45 ng umaga nang matagpuan ang kalansay ng bagong panganak na sanggol sa niyugan na pag-aari ng isang Segundino Casais sa Barangay Amoguis ng nabatid na bayan.

Nadiskubre ang kalansay dahil sa nalanghap na masangsang na amoy mula sa garbage bag at dala ng kuryusidad ay binusisi ang laman nito at doon na tumambad ang kalansay.

Abante Hiring – IT dep

Kinumpirma naman ng pulisya na mula sa bagong panganak na sanggol ang kalansay kaya patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon kung sino ang walang pusong magulang ang responsable sa pagtatapon nito.