Kalawang sa Game 2 papagpag ni Pringle

340

A gumana ng long-range shooting ng Ginebra Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang resulta ay 88-71 loss ng Gins at 0-2 deficit sa TNT KaTropa sa kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinals series. Naubusan din ang defending champions sa opener 95-92.

Pati pato’t panggulo, itataya ng Ginebra para makaiwas sa sweep sa Game 3 mamaya sa MOA Arena.

Ang inaasahan ni coach Tim Cone na si Stanley Pringle, katiting na 2 points lang ang kinaya sa Game 2.

Mula sa field, 1 of 9 ang scoring champion, 0 for 4 sa labas ng arc. May 4 rebounds, 4 assists at 3 steals siya sa loob ng 44 minutes, pero inari ang 6 sa 15 turnovers ng Gins.

Si Scottie Thompson ay 1 for 5 din sa 3s pero naka-13 points. Si LA Tenorio ang nagpasok ng tatlo sa limang bitaw sa labas ng arc tungo sa 11 points.
Umayuda si Japeth Aguilar ng 14, may 25 points at 13 rebounds si Justin Brownlee.

Mula downtown, 5 for 23 lang ang Gins kumpara sa 16 for 44 ng KaTropa.
ng 71 points ng Ginebra ang all-time lowest output kapag si Brownlee ang import sapul noong 2016, ayon kay PBA chief statistician Fidel Ma-ngonon III.

‘Yun din ang pinakamababa nila sa playoffs pagkatapos ng 83-67 loss sa TNT noong 2015 Philippine Cup quarterfinals, at lowest sapul nang matalo sa San Miguel 72-70 noong 2017 all-Filipino elims. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...