Abante Tonite Interactive

Kalayaan ng ‘Pinas huwag iasa sa dayuhan – CJ Bersamin

263

Nanawagan si Chief Justice Lucas Bersamin sa mga Pilipino na huwag umasa sa tulong ng mga dayuhan para malutas ang mga suliraning kinakaharap ng bansa.

Sinabi ito ng Punong Mahistrado sa kanyang talumpati nang dumalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa dambana ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City.

“Lagi natin tatandaan na nakamit natin ang kalayaan at kasarinlan bilang isang bansa sa pagdanak ng dugo ng ating mga bayaning ninuno…huwag nating balewalain ang kanilang sukdulang pagpapakasakit,” pahayag ni Bersamin.

Nilinaw ni Bersamin na wala siyang tinutukoy na bansa pero kung may tutulong man aniya ay tanggapin basta walang kundisyon o kapalit na hihingin.