Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalbaryo sa pandemya, tatagal pa – Duterte

0 231

Aabot ng mahabang panahon bago tuluyang mawala ang problema at banta sa COVID-19.

Ito ang paniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na paglutang ng iba’t ibang COVID variant, gaya ng Delta at ang pinaka-bago ay ang Lambda.

Ginawang halimbawa ng Pangulo ang karanasan ng Europa sa Spanish flu noong 1918 hanggang 1919 kung saan daan daang libo ang namatay at tumagal ang virus sa hangin.

SM food to go Banner Ad

Malaki aniya ang binago ng COVID-19 sa buhay ng mga tao at dito sa Pilipinas ay hindi na nagagawa ang makapasyal at hindi na rin makapag-inuman kahit saan.

“Matagal pa ito. Itong virus na ito will just circulate in the air for years. Wala na tayo yung sinasabing pasyal ng gabi, wala na. The fundamental fear is that it is here to stay and it has changed our lives frm hereon,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.