Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Kaldero’ ni Alan hahalukayin

0 411

Desidido si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na kalkalin ang P50 milyong cauldron o kaldero na ipinagawa ng Philippine SEA Games Organization Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Naging kontrobersiyal ang P50 milyong kaldero na ipinatayo sa New Clark City sports facility sa Pampanga at ginamit para sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa noong 2019.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na binanggit na ito ni Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte nang magharap sila ni Cayetano para sa term-sharing agreement nila sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Hinamon naman siya ni Cayetano na paimbestigahan ito.

Dati nang ipinagtanggol ni Cayetano ang pagpapagawa ng P50 milyong cauldron para sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th SEA Games at sinabi pang `work of art’ ito na ginawa ng isang national artist.

Leave A Reply

Your email address will not be published.