Abante Tonite Interactive

Kalei-Mau, F2 vs Carandang, PLDT

219

Walang balak magrelaks si Czarina Carandang at ang PLDT Home Fibr gaya ni Tyler Marie Kalei-Mau at F2 Logistics sa kanilang rematch sa 7th Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019 prelims ngayong Sabado ng alas-4:00 ng hapon sa Corpus Christi Gym, Cagayan de Oro.

Mainit-init pa ang Power Hitters na niresbakan ang pumilipit sa kanila sa prelims 1 Generika Ayala nitong Huwebes, 25-23, 14-25, 25-15, 25-18.

At nais ding bawian ni Carandang at nasa sixth spot PLDT (5-8) ang 1st round tormentor na si Mau at nasa second place Cargo Movers (11-1) na pumalo ng 25–15, 27–25, 25–22 nitong Hunyo 18. Pero nalugmok sa unang talo ang sumesegundang F2 sa league leader Petron sa parehas na araw, 28-26, 29-27, 19-25, 20-25, 6-15.

Apat sa Power Hitters ang nakaabot sa double-digit performance sa pangunguna ni Carandang na may 13 points, Aiko Urdas at Jerrili Malaba­nan na may tig-12 at Gretchel Soltones na may 10 markers.

Hampasan din sa alas-6:00 ng gabi ang Blaze Spikers (12-1) at nasa No. 4, may 7-5 na Foton. (Janiel Abby Toralba)