Abante Tonite Interactive

Kalei out sa women’s team

0 132

Nananatiling mataas ang kumpiyansa ng Philippine Women’s Volleyball Team para sa pagsungkit ng alinman kulay ng medalya sa pagsabak nito sa 30th Southeast Asian Games kahit na posibleng hindi makasama dito ng koponan ang inaasahan na si Fil-Am Kalei Mau.

Sinabi nina Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) President Joey Romasanta at LVPI training director Peter Cayco na may natitira pa na talento para sa National Women’s team para makasungkit ng medalya sa pagsasagawa ng ika-30 edisyon ng kada dalawang taong torneo.

Hindi nakakuha si Mau ng permit o release mula sa United States Volleyball Association para bitbitin ang bandila at makapaglaro sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan at inaasahang magiging problema ito sa torneo dahil sa mga sinusunod na mga batas. (Lito Oredo)