Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalidad ng modules ang kailangan

0 66

Isang buwan mula nang magbukas ang klase sa public school, heto’t hindi pa pa rin nawalan ng reklamo kaugnay ng sablay na modules ng ibinibigay ng Department of Education (DepEd) para sa estudyante ng pampublikong paaralan.

Nitong nagdaang mga araw, nag-viral na naman sa social media ang ilang pagpuna sa ilang modules tulad na lamang ng isang imahe sa isang libro ng Grade 3 na nagpapakita na kaawa-awang kalagayan ng isang magsasaka.

Nakasuot ang magsasaka ng luma at punit-punit na kasuotan na may maraming anak at ang iba ay wala pang suot na damit. Marami ang nadismaya sa naturang imahe na tila pagpapakita raw ng pag-insulto sa mga magsasaka.

Kaya ang tanong ng ilan, bakit nakalusot ang ganoong uri ng module na tila hindi ata nirebyu man lang ng mabuti bago inaprubahan. Lumabas kasi na parang stereotyping ang pagsasalarawan ng naturang modules sa ating mga magsasaka.

Alam naman natin na karamihan sa atin ay mga mahihirap. Pero kung i-stereotype mo sila, ano ang mensaheng ibinigay nito sa ating mga kabataan, sa ating mga estduyante? Hindi ba’t hindi ito katanggap-tanggap?

Sabihin na nating hindi sinasadya ang ganoong halimbawa sa module pero lumilitaw na isang uri ng pagmamaliit ito sa ating mga magsasaka. Gawin mo nga namang halimbawa ang mga magsasaka na sadlak sa kahirapan ay para na ring sinasabi mong isa siyang hampas lupa or naiiwan sa kangkungan. Tama ba yan?

Napaka-insensitive din naman ng gumawa ng ganoong module sa paghalimbawa sa magsasaka. Wala na ba siyang maisip na ibang example? Pero yung ang tanong, bakit nakalusot?, Bakit inaprubahan ng DepEd?

Huwag naman nating insultuhin ang magsasaka dahil alam naman natin ang napakahalagang papel nila sa buhay nito.

Isa pang nag-viral ay module tungkol sa pag-body shame sa isang celebrity, tumbukin natin, si Angel Locsin, kung saan inilarawan ng isang obese. Again, tama ba iyon?

Nakakadismaya lang na mayroong ganoong uri ng halimbawa na binabanggit ang pisikal na kaanyuan ng isang personalidad na sinabi pa talagang isang “obese”.

Hindi ba’t ikaw na isang guro, parang tinuturan mo pa ang inyong mag-aaral insultuhin ang isang indibidwal? Parang tinuturuan mo ang mga kabataan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa. Tama ba iyon? At ang nakaka-dismaya pa sa module na iyong mali-mali pa ang grammar.

Sabi nga ni Senadora Grace Poe, may malisya man o wala, hindi tamang iyon na gawin sa pangkaraniwang tao. Kaya ang tanong, paano nakalusot ang mga ganoong module sa DepEd?

Kaya panawagan ng lahat sa DepEd, bigyan naman ang agtensiyon ang mga kalidad ng education materials na ibinigay sa ating mga estudyante. Napakarusyal ng modules na ito. Hindi lang ito tungkol sa tamang grammar kundi napakahalga din ng values na inihahatid nito sa ating mga kabataan.

Dahil substandard ang ilang modules, lumalabas na walang quality control ang DepEd kaya’t nakalusot ang ganitong uri ng learning material. Tandaan, mas importante pa rin ang quality ng learning material at hindi ang quantity.

Leave A Reply

Your email address will not be published.