Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalidad ng tubig sa Hinulugang Taktak tiniyak

0 76

Patuloy ngayon ang pagsasaayos ng makasaysayang Hinulugang Taktak.

Nabili na ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang kapirasong lupa na paglalagyan ng Sewerage Treatment Plant para linisin ang tubig na dumadaloy sa Taktak.

Nagkapirmahan na ng MOA kasama si DENR Secretary Roy Cimatu, Manila Water President Rene Almendras at COO Abelardo Basilio.

SM food to go Banner Ad

Sinisiguro naman ni Mayora Andrea “Andeng” Ynares na mapapanumbalik ang magandang kalidad ng tubig sa Hinulugang Taktak matapos maitayo ang treatment plant sa nasabing lugar.

Kinilala rin ng mayora ang malaking tulong sa sanitasyon ng itatayong wastewater facility para sa kanyang mga nasasakupan at siniguro ang suporta ng kanyang opisina para sa proyekto.

Pinapurihan naman ni Sec. Cimatu ang pagtutulungan ng Manila Water at Lunsod ng Antipolo at binigyang-diin ang kahalagahan ng public-private partnership tungo sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na ng mga daluyang tubig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.