Abante Tonite Interactive

Kaligtasan, malusog na katawan kahilingan ni Paat sa kaarawan

377

Kaligtasan at malusog na pangangatawan ang hiling ni Philippine SuperLiga (PSL) star Mylene Paat sa kanyang kaarawan nito lang Linggo.

Ang kanyang wish ay bunsod sa kinakaharap pa rin sa ngayon nang mapanganib na coronavirus disease 2019 pandemic ng mundo, kasama ang bansa.

“My birthday wish is for us all to be safe and stay healthy. Maraming salamat sa inyong lahat, Stay safe and God bless us!” rweer ng 26-year-old, 5-foot-11, Bani, Pangasinan native at Chery Tiggo Crossover opposite hitter.

Kinansela ang ang women’s indoor volleyball eight season-opening conference Grand Prix dahil sa banta ng COVID-19 noong Marso 3 kaya tengga muna ang dalagang balebolista sa kasalukuyan. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad