Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalimutan ang politika sa gitna ng pandemya

0 62

Nakakagalit naman ang pagsusulong ng panukala ng isang kongresista na dapat ay alisin na raw at baguhin ang termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno sa bansa.

Naghain ng panukalang si Pampanga Conngressman Aurelio Gonzales Jr. ng PDP Laban – Cusi wing na mag-convene bilang Constituent Assembly ang dalawang kapulungan ng Kongreso upang matalakay ang pag-aamyenda sa Konstitusyon at maretoke ang termino ng mga halal na opisyal kahit pa 4 na buwan na lang ay eleksiyon na sa bansa.

Sa ilalim ng panukala ni Gonzales na inihain noong January 7,202 ay nais nito na baguhin ang kasalukuyang isang 6 taong termino ng isang Pangulo .

Sa panukala ni Gonzales ay nais nitong gawing 5 taon ang termino ng Pangulo na may isang reelection na maaaring aabot sa 10 taon ang panunungkulan .

Kapag naghalal ng Pangulo ay kasama na dito na maboboto ang Bise Presidente upang maiwasan na hindi magkaalyado ang nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Hirit din ni Gonzales na ang mga kongresista ay mabigyan din ng 5 taong termino na may isang reelection kumpara sa kasalukuyang 3 taon na termino na piwde ng reelection hanggang ikatlong termino.

Maaaring may balidong rason ang panukalang ito ni Congresman Gonzalez sa usapin ng political system sa bansa.

Pero Diyos ko po naman, nasa gitna tayo pandemya at marami ang nagkakasakit , marami ang nawalan ng trabaho na bagsak din ang negosyo at higit sa lahat ay marami ang nagugutom na ating Kababayan.

Sana naman ay itigil na muna ang usaping pulitika at mas nakakabuting ibuhos ni Congressman Gonzales at ng iba pang pulitiko ang paghanap ng pamamaraan kung papaano makakatulong sa mga apektado ng pandemya.

Kung nahihirapan si Gonzales na mag-isip para sa kapakanan ng taumbayan ay maaari n’ya isulong ang ang panukala na dapat ay maisulong ang libreng mass testing sa Covid dito sa bansa.

At sa mga mahihirap na mamamayan lalo na ang mga manggagawa na ‘no work, no pay’ ay mabigyan ng ayuda kapag sila ay nagpositibo sa Covid.

Marami kasi ang nag-aatubili na magpa-Covid test dahil natatakot na kapag nagpositibo ay magugutom ang kanilang pamilya dahil hindi makakapagtrabaho .

Kung tiyak na may ayuda ang pamilya ng magpopositibo sa Covid ay mas marami pa ang sasailalim sa Covid testing at tiyak na mas mabilis na mapipigilan ang paglaganap ng virus na ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.