Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalinga sa panahon ng pandemya

0 80

Wala naman akong masabi talaga sa pamunuan ng pamahalaang lungsod ng Malabon ngayong pandemya.

Sa pagpapatuloy ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay sinigurado ng City Hall na may pagkain sa kanilang mga mesa ang kanilang mga mamamayan.

Naipamahagi sa lahat ng kabahayan ang tinaguriang “Kalinga sa Kalusugan” kung saan bawat pamilya ay nabigyan ng stub na para makatanggap ng ayudang gulay na maihahain sa kanilang mga pamilya.

Ang mga pagkain ay naipamahagi sa mga depot sa bawat barangay.

Sa pangunguna ni butihing Malabon Councilor Jose Lorenzo Oreta, siniguro ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na may programang pangkalusugan para sa bawat pamilyang Malabonian bilang tugon na din sa hamon dulot ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi nga ng konsehal, ngayong dumarami ang variants ng COVID-19, mas kailangan nating ingatan ang ating mga kalusugan at isang paraan na diyan ay ang pag kain ng masustansyang pagkain kaya’t naisip ng Pamahalaang Lungsod na magbigay ng mga gulay, itlog, at iba pa para siguraduhing ligtas at malusog ng kanilang mga tinatawag na “Ka-asenso” sa Malabon.

Sariwa at masustansyang pagkain tulad ng bigas, itlog, at mga gulay na inangkat mula sa mga magsasakang apektado rin ng pandemya at ipinamahagi sa mga pamilyang Malabonian. Yan ang siguradong ayuda na mapapakinabangan ng mga constituents.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Crisanta Lara Junio na isa sa mga nakinabang sa nasabing programa.

Ayon sa kanya, malaki ang pasasalamat nila at naisip ni Mayor Lenlen at Konsehal Enzo na bigyan sila ng mga gulay at ng hindi puro de-lata ang kinakain nila.

Kailangang-kailangan nila ito ngayon lalo na ng mga bata sa bahay at napakalaking tulong daw nito na panlaban sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.