Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaliskisan mga kandidato

0 150

Apat na buwan na lamang ay aarangkada na ang 2022 national at local election.

May kani-kaniya tayong mga bet na manalo sa darating na halalan, may iba-ibang pamantayan.

Pero bagama’t magkakaiba tayo ng pamantayan, hindi dapat natin kalimutang isama sa basehan ang pagkilala sa nakaraan ng isang politiko. Pag-aralan natin kung may nagawa ba ito noong mga panahong naluklok siya saanmang puwesto ito at kung baguhan sa politika, sipatin natin kung bilang isang mamamayan ay nagpamalas ito ng pagiging isang ehemplo at mabuting mamamayan.

Hindi maaring isantabi ang nakaraan ng bawat politiko dahil sa ganitong paraan lamang natin masisiguro na mas maayos na serbisyo ang matatanggap natin sa politikong ating iboboto sa Mayo at hindi ito magsisilbing dekorasyon lamang.

Katulad na lamang ni dating Valenzuela Cong Magi Gunigundo na beteranong-beterano pagdating sa paglikha ng batas na siyang pangunahing kuwalipikasyon ng mga tumatakbong kongresista kaya dapat mabalik ito sa Kongreso.

Sa totoo lang napakaraming matitinong batas na napapakinabangan hindi lamang ng mga taga-Valenzuela City ang iniakda at naipasa noong naging congressman si Magi kaya ang mga katulad nito ang dapat na bigyang pagkakataong makapaglingkod muli.

Hindi lang angat si Cong Magi sa paglikha ng batas kundi marami rin itong proyektong naitaguyod para sa kapakanan ng mga nasasakupan nito sa ikalawang distrito ng Valenzuela sa tulong ng national government.

Kaya sa mga taga-Valenzuela huwag ninyong hayaang mawala sa sirkulasyon ng politika si Cong Magi dahil ang katulad niya ang kailangan ng inyong lugar lalo na ngayong nahaharap tayo sa pandemya.

Nasubukan na natin ang kasalukuyang kinatawan ng inyong distrito, wala akong narinig na matinong nagawa nito kundi pamumulitika lamang at pamamahagi ng ayuda na hindi naman niya personal na inisyatibo kundi ng national government. Kaya tama na sa mga politikong nabitbit lamang ng partido pero wala namang napatunayan pagdating sa personal na laban para sa kanyang nasasakupan.

***

SM food to go Banner Ad

Sa isang banda ay ramdam ko ang pagkadismaya ni senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga ulat tungkol sa ilang medical frontliner na nakakatanggap lamang ng karampot na halaga ng special risk allowance (SRA) sa kabila na inilalagay ng mga ito sa panganib ang kanilang buhay upang makapagsilbi ngayong COVID-19 pandemic.

Hindi aniya sapat ang mga papuri na bagong bayani ang ating mga medical frontliners. May kasama itong obligasyon na bigyang dignidad ang kanilang propesyon sa pamamagitan ng maayos na pagtrato at pagbibigay ng mga nararapat na benepisyo para sa kanila, kapalit ng kanilang hirap at sakripisyo.

Ginawa ni Eleazar ang pahayg matapos mabatid ang kaso ng isang doktor sa Camarines Sur na tumanggap lamang ng P2,000 SRA sa kabila na anim na buwan nang nasa COVID-19 frontline.

Sa Facebook post ni Dr. Beng Rivera-Reyes ay sinabi nitong nalungkot siya sa natanggap na bayad dahil ilang co-worker din niya ang nakakuha lang ng P300 hanggang P600 na SRA habang ang dalawang doktor ay bokya.

Kaya nanawagan si Eleazar sa Department of Health para bisitahin ang mga guideline sa pag-compute ng SRA ng mga medical frontliner kung ayaw ng gobyerno na mawalan pa ng mas maraming doktor at nurse dahil sa mass resignation, na nangyari noong pumutok ang Delta variant.

Aniya kailangan talagang silipin ang guidelines sa pagbibigay ng SRAs sa ating mga healthcare workers. Dapat bigyang linaw kung bakit kakarampot lang ang ibinibigay na allowance para sa mga nasa frontlines sa laban kontra COVID-19.

Kaya naman nangako itong ilalaban ang pagsasaayos ng guidelines para sa pagbibigay ng mas makatarungang SRAs sa mga medical frontliners sa buong bansa sakaling maluklok sa Senado.

Lahat din aniya ay dapat ay makakatanggap ng SRA dahil halos lahat ng nagtratrabaho sa ospital ay exposed sa coronavirus.

Iginiit din ito na ang tamang alokasyon ng pondo sa national budget ang kinakailangan upang pondohan ang SRA ng mga medical frontliner, ayon pa sa pambato sa Senado ng Partido Reporma.

Leave A Reply

Your email address will not be published.