Abante Tonite Interactive

Kaliwa’t kanang ambush sa BuCor personnel imbestigahan — DOJ

By
0 115

Iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa serye ng pag atake laban sa mga opisyal at personnel ng Bureau of Corrections (BuCor).

“Let us see if there is a pattern,” ayon kay Guevarra base sa pagpaslang na ginagawa sa BuCor officials at personnel.

Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra kasunod ng ginawang pag-ambush kay Chief Inspector Angelito Padilla na binaril sa ulo noong Lunes nang hapon malapit sa palengke ng Muntinlupa City.

Si Padilla ay nasawi habang ginagamot sa Medical Center Muntinlupa.

Nabatid na si Padilla ang ikalawang BuCor personnel na pinaslang ngayon taon matapos ang pagpaslang kay Insp. Romel Reyes, 41, nakatalaga sa Bureau of Reservation Security Service (BRSS) na binaril rin sa ulo ng di nakikilalang gunman na nakasakay sa motorsiklo malapit sa Sunken Garden NH New Bilibid Prison (NBP) sa Brgy. Poblacion noong Setyembre 2.