Kalma lang, magiging maganda buhay natin – Malacañang

Muling nagpahayag ng kumpiyansa ang Malacañang na maghahatid ng panibagong pag-asa para sa lahat ng Pilipino ang papasok na taong 2021.
Sa mensahe sa kanyang Facebook account, inihayag ni Presidential Spokesperson na naniniwala silang gaganda na ang sitwasyon sa bansa sa susunod na taon sa kabila ng maraming hamon na kinaharap ng mamamayan, partikular ang krisis na hatid ng COVID-19 pandemic.
“Sabi nga ng mga matatanda, kapag ikaw ay bumagsak, ika’y tatayo. Dahil hindi po naging maganda ang ating 2020, chances are magiging napakaganda po ng ating 2021,” ayon kay Roque.
“Pagdating ng 2021, mayroon po tayong bagong pag-asa. Hang in there, kalma lang,” dagdag pa ng kalihim. (PNA)