Abante Tonite Interactive

Kalma lang!

Lady Altas pa rin ‘yan! — Cariño

By ,
0 145

Walang mababakas na kalungkutan sa mukha ni Perpetual Help Lady Altas coach Macky Cariño matapos kapusin ang kanyang tropa na masel­yuhan ang kampeonato noong Biyernes.

Sa pagharap ni Cariño sa media matapos ang five-set match nito kontra defending champions na Arellano University, hindi mababakas sa mukha nito ang pagkatalo.

“Akala niyo ba malu­lungkot ako, hindi ako malulungkot kasi naniniwala pa rin na ako na mananalo ako,” pambungad na bati ni Cariño.

Abante Hiring – IT dep

“Wala naman tala­gang binibigay ang Diyos na pangmadalian eh, kailangan pinaghihirapan.”

Hindi man nasungkit ang kampeonato ay talaga namang kumapit ang mga taga Las Piñas lalo na fourth set, na kung isalarawan ni Cariño, puso ang naging pa­ngunahin nilang sandata dito.

Naging maganda ang takbo ng fourth set sa Lady Altas dahil nagawa pa nilang manakaw ito mula sa 21-17 ng Arellano ay natapos ito sa 25-22.

“Nilagyan na yan ng puso eh, sabi ko nga sa kanila ‘yung fourth set pagpasok natin kapag ganyan pa rin ang nilala­ro natin matatalo tayo madalian pero kapag tinaasan niyo ‘yung level ng nilalaro niyo posible yan mag-fifth set at posible mag-champion tayo,” dagdag nito.

“’Yung fourth set na yan, siguro it is all about attitude. Attitude, ‘yung attitude namin na gusto naming manalo (at) yun nakikita ko sa kanila sa mga past games na nila­laro namin, ‘yun ang nakita ko sa kanila nung fourt set.”

Kumpiyansa si Cariño na sa Game 3 ng Finals ay tuluyan na nitong masusungkit ang kampeonato at ibibigay muli nito sa Perpetual ang korona ng women’ s volleyball.