Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaltas sa corporate income tax pirma na lang ni Digong

0 228

Kailangan na lang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte para maisabatas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill, na layong babaan ang corporate income tax, matapos maratipikahan ng Kamara ang pinal na bersyon nito kahapon.

Sa ilalim nito, mula sa 30% na corporate income tax, ibababa ito sa 25% para sa mga large corporation at 20% naman para sa mga small and medium corporation na mayroong net taxable income na mababa sa P5 milyon at total asset na mas mababa sa P100 milyon.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, may mga insentibo, special corporate income tax holiday at iba pang benepisyong nakapaloob para sa mga exporter, enterprise at iba pang negosyo.

Inaasahang magreresulta rin ito ng 1.8 milyong trabaho sa susunod na sampung taon at makakatulong na rin sa bansa na bumangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.