Abante Tonite Interactive

Kaluluwa sinasanay sa dimensyon ng mga Pinoy

280

Mga ka-Misteryo may nakapag-kuwento na ba sa inyo kung ano ang kapalaran ng mga kaluluwa pagkatapos humiwalay sa katawan ng isang namayapa?

‘Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Sanay na si Milo ng Parañaque na makipag-usap sa mga namayapa dahil sa kanyang abilidad na makita at marinig ang mga gumagalang kaluluwa.

Nang mamatay ang kanyang kaibigan ay si Milo mismo ang gumabay sa kaluluwa nito at binigyan ng mga babala sa pakikisalamuha sa mundo ng mga multo, maligno at engkanto dito sa dimensyon ng lupa.

Minsang namasyal si Milo ay sumama sa kanya ang kaluluwa ng kaibigan at sinabihan niyang ‘wag lalayo sa kanyang tabi at ‘wag pansinin ang mga gumagalang kaluluwa sa paligid.

Sumunod naman sa kanya ang kaluluwa ng kaibigan at dito nakahuntahan ng #TeamMisteryo si Milo.

Team Misteryo: “Pambihira ka din Milo at ikaw pa mismo ang gumagabay sa kaluluwa ng iyong kaibigan.”

Milo: “Ganun talaga kaibigan eh saka matinding adjustment ang kailangan niya sa mundo ng mga espiritu sa dami ng mga gumagalang kaluluwa at marami ang salbahe.”

Team Misteryo: “Anong sabi mo sa kaluluwa ng kaibigan mo? Meron ba siyang dapat na iwasan at gawin?”

Milo: “Basic lang ang sabi ko sa kanya. ‘Wag hihiwalay sa akin at ‘wag lalayo sa lugar ko kasi delikado. Kailangan muna niyang masanay sa kabilang buhay at iwasan ang mga masasamang espiritu.”

Hindi pala ganun kadali para sa kaluluwa ng isang kamamatay lang kaya minsan naisip ko na mas mabuti pang gawin lahat ang paraan para mabuhay kesa asamin na sumakabilang buhay. Kaya ‘wag na ‘wag iisipin na magpakamatay.

***

Para sa mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.