Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalusugan tutukan bago ang halalan – mga nurse

0 77

Kinatigan ng isang grupo ng mga nurse sa bansa ang patutsada ni Manila Mayor Isko Moreno sa ilang politiko na nag-iikot na bilang paghahanda sa May 2022 election kahit humahagupit pa ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon sa Ang Nars Party-list, dapat unahin ng mga politiko ang nangyayari ngayon lalo at matagal pa naman ang botohan.

SM food to go Banner Ad

“Kalusugan ng tao muna bago ang eleksiyon. Con­centrate muna sa lahat ng paraan para maayos ang COVID-19 response. Dapat tao muna bago ang sarili,” ani dating Ang Nars Party-list Rep. Leah Paquiz.

Walang pinangalanan si Moreno sa nasabing pasaring pero nabatid na isa si presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte sa nakikita sa social media na nag-iikot sa ilang lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.