Abante Tonite Interactive

Kalye ginawang tsismisan ng barangay

924

Kumusta po kayo?

Dito po sa aming barangay sa Bulacan ay sobra nang na-kakaalarma ang kalye naming ginawang venue ng tsismis nang wala sa oras. Kasi po ay dis-oras na ng gabi ay nasa kalye pa at ang lalakas ng boses. Sobrang nakakabulahaw na po.

Pati mga bata ay hindi rin binabawalan ng mga magulang nila.

Oras na ng pagtulog ay laman pa sila ng kalsada. Pati naman mga magulang nila ay problema rin.

Naniniwala na nga ako sa kasabihang kung ano ang puno ay siya ang bunga.

Maliit pa ako dito sa amin ay nakikita ko na rin na kasing-­ugali ng mga bata ang mga nanay at tatay nila.

Haisst ang hirap talagang mangaral kapag ikaw mismo ay sablay. Kawawa rin ang mga batang maliliit na magsisilaki ring mga loko. Ewan ko nga po ba kung bakit ganito sa aming barangay.

Minsan darating ang mga tanod at kakastiguhin silang mga tsimoso at tsismosa sa oras na ng pagtulog, pero ilang araw lang ay uulit na naman.

Nakakasira talaga ng tulog! Sana kumilos na rin ang munisipyo kung hindi na makaya ng barangay ang ganitong sakit ng ulo dito sa amin.
Myrna of Hermosa, Bataan.