Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kalye Impiyerno sa Navotas nagliyab

0 39

Naging literal ang dapat ay pangalan lamang ng kalye sa Navotas nang masunog ang isang residential area sa tinatawag na Kalye Impiyerno sa naturang lungsod kahapon ng hapon.

Ang Kalye Impiyerno na matatagpuan sa Barangay San Roque, ay nagmistula ring impiyerno sa loob ng ilang minutong sunog na umabot pa sa ikalawang alarma.

Sumiklab ang apoy dakong ala-1:09 ng hapon at idineklarang under control na bandang alas-1:39 din ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano ang pinsalang dinulot sa mga natupok ng apoy.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.