Abante Tonite Interactive

Kamalditahan ni LJ, kitang-kita ni Jean

LJ Reyes
8

COMING from a known kontrabida actress, there’s no need na para i-train pa ni Jean Garcia si LJ Reyes who will play a maldita role sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Kinakitaan na kasi ni Jean ng potential si LJ pagdating sa aspetong ito.

“Hindi na kailangan ni LJ ng advice ko, eh. She is good already. Ang galing na niya kaya nga ang gaan lang sa set.

“Masaya kasi she knows na paano ‘yung magiging atake niya — which I am proud of,” kuwento ng magaling na aktres.

Nasa PKLSL din sina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves at Martin del Rosario.