Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara bibili ng bakuna sa Amerika

0 304

Bibili ang Kamara ng 60,000 dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Novavax, isang kompanya na nakabase sa Amerika.

Ayon kay Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III, Congvax head ng Kamara, gagastos ang kapulungan ng P50 milyon para sa pagbabakuna ng mga empleyado nito.

Inaasahan na darating ang mga bakuna sa Hulyo.

Ang Novavax ay isa sa mga bakuna na kasama sa tripartite agreement na itinataguyod ng national government sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Noong una ay bakuna ng AstraZeneca ang tinitingnang bilhin ng Kamara subalit nakuha ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor ang limitadong suplay nito.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.