Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara binawi kaso vs Duque, ex-FDA chief

0 168

Binawi ng Kamara rekomendasyon nitong sampahan ng kaso sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at dating Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo dahil sa umano’y mabagal na pag-apruba sa mga aplikasyon para sa gagamiting gamot kontra COVID-19 tulad ng Ivermectin.

Nakapaloob ang rekomendasyon sa pinagtibay kamakalawa na Committee Report No. 1393 ng House committee on good Government and public accountability para sa House Resolution No. 1711.

Binawi ang rekomendasyon batay na rin sa inihaing mosyon ni Manila Rep. John Marvin `Yul Servo’ Nieto sa sesyon kahapon na humihiling na irekonsidera ang naging desisyon ng komite.

Walang tumutol sa mosyon ni Nieto kung kaya’t inaprubahan ito ng presiding officer na si Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan.

Si Singson-Meehan ang naging presiding officer ng sesyon.

Base sa rekomendasyon, pinakakasuhan ng paglabag sa Section 4 ng Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Section 38 ng Executive Order 292 sina Duque at Domingo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayundin ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 8 at 21 ng Republic Act No. 9485 o Anti-Red Tape Act of 2007).

Samantala, ipinagtanggo ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay ang hakbang ng Kamara na bawiin ang ulat ng kanyang komite.

Sa isang Viber message sa mga reporter, sinabi ni Aglipay na muling bubuksan ang pagdinig ng komite upang makapagbigay ng kanyang panig si Duque.

Sa tanong kung bakit naglabas ng ulat ang komite gayong hindi pa pala tapos ang pagdinig, sinabi ni Aglipay na nagkamali siya ng akala.

“Absent po kasi siya we sent several letters nagalit din po mga member ng committee remember so I thought he was waiving his right to be heard by being absent. I was mistaken,” sabi pa ni Aglipay.

Sa tanong kung kaparehong pamantayan ang gagamitin ng komite sa mga susunod na imbestigasyong isasagawa nito, sagot ni Aglipay: “Depende if the absence is excused.” (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.