Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara galawang mafia – De Lima

0 208

Inilarawan ng detinidong si Senador Leila de Lima ang gusot sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na katulad ng mafia kapag nag-aaway ang mga miyembro nito.

“Ganito mag-away ang mga mafia,” reaksyon ni De Lima sa nagaganap na `leadership war’ sa Kamara.

Patapos na kasi ang termino ni Speaker Alan Peter Cayetano batay sa term-sharing agreement nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco. Subalit lumalabas sa mga kaganapan sa plenaryo ng Kamara nitong Miyerkoles na ayaw kilalanin ng grupo ni Cayetano ang pagpapalit ng liderato.

“Hindi mafia ang turing dapat sa Kongreso,” ayon pa kay De Lima.

Duterte dumistansiya na

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hands-off na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong kaganapan sa Kamara kaugnay sa isyu kung sino ang dapat na mamuno sa mga kongresista.

Sinabi ni Roque na tumawag na sa kanya ang Pangulo para sabihing dumistansiya na ito sa panloob na usapin ng Kamara. Hindi aniya sila dapat magkomento, bagkus ay igagalang ang naging boto ng mga kongresista kung sino ang dapat na mamuno sa kanila.

“Naka-monitor po kami, at katatawag lang sa akin ng Presidente, at ang sabi po nya `Stay out tayo diyan, no comment tayo diyan. That’s a purely internal affair of the House of Representatives’. `Yan po ang paninindigan ng ating Presidente,” ani Roque.

Muling inulit ng kalihim ang posisyon ng Pangulo na wala siyang magagawa kung walang sapat na boto si Velasco kahit pa gustuhin man nitong matupad ang gentleman’s agreement kay Cayetano.(Dindo Matining/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.