Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara ikinasa mandatory vaccine bill

0 293

Sisimulan nang talakayin ng House committee on health ang panukalang gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Subalit inamin naman ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., may-akda ng panukala, na hindi pa ito maipatutupad hangga’t hindi pa sapat ang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon kay Barzaga, sinabi sa kanya ni House committee on health chairperson at Quezon Rep. Angelina Tan na diringin na ang House Bill No. 9252 ngayong Agosto o sa unang linggo ng susunod na buwan.

Sa ilalim ng panukala, aamyendahan ang COVID-19 Vaccination Program Law upang maging mandatory ang pagbabakuna sa mga tao na maaaring tumanggap nito batay sa panuntunan ng Department of Health (DOH).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamin ni Barzaga na maaaring makaapekto rin sa pagpasa ng panukala ang nalalapit na eleksyon pero umaasa ang mambabatas na maaprubahan ito bago matapos ang 18th Congress.

Sinabi ni Barzaga na inaasahan na marami ring kukuwestyon sa kanyang panukala dahil sa limitadong supply ng bakuna.

Kaya kung marami na aniyang supply ng COVID-19 vaccine ay saka pa lamang umano maaaring gawing mandatory ang pagbabauna. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.