Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara inaprub 50% diskwento sa OFW padala

0 177

Sa botong 224 pabor at walang tutol, lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng 50% diskwento sa remittance ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang pamilya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng House Bill No. 7951 na inakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., bibigyan ng 50% diskwento ang mga OFW para sa padalang pera sa pamamagitan ng bangko at non-bank financial intermediary.

Maaari namang mag-claim ang mga nasabing establisimiyento ng tax deduction para sa kanilang diskwento at puwedeng ibawas sa gross income nila basta hindi lalagpas sa remittance fee na P24,000 bawat OFW kada taon. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.