Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara inaprub mababang buwis sa private school

0 102

Pasado na sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara ang panukala na magtatakda ng mas mababang buwis sa mga pribadong paaralan.

Inaprubahan ang House Bill No. 9913 sa botong 203 pabor, walang tumutol o abstention, sa sesyon nitong Lunes.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, papatawan ng 10% buwis ang taxable income ng mga pribadong eskuwelahan.

Mula Hulyo 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2023 ay 1% special tax rate ang ipapataw sa kita ng mga pribadong paaralan. Matapos ito ay babalik sa 10% ang ipinapataw na buwis alinsunod sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE). (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.