Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara: Kouame Pinoy na

0 42

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representante ang panukala na magbibigay ng Pilipino citizenship kay Ange Kouameng Ivory Coast bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Sa botong 210-0 at walang abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8632 na akda ni Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Roberto Puno.

“I am hopeful that Ange Kouame will become a Philippine citizen just in time for the upcoming 30th International Basketball federation Asia Cup 2021 third and final qualifier as well as the 19th FIBA World Cup 2023,” wika ng mambabatas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama rin nakakuha ng naturalization si Bienvenido Marañon ng Spain upang maglaro sa Philippine Azkals. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.