Abante Tonite Interactive

Kamara makikialam kung bubuksan muli ang RWM

153

Makikialam ang Kamara sakaling muling pagbigyan ang pagbubukas ng Resorts World Manila (RWM) partikular sa aspeto ng public safety.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas hindi na dapat maulit ang malagim na sinapit ng 37 guest ng RWM at isa sa panguna­hing konsiderasyon bago ito payagang makapagbukas muli ay katiyakan na maaasahan na ang seguridad nito sa kanilang libu-libong customers.

Hindi lamang umano ang pamunuan ng RWM ang dapat maniguro sa security nito kundi dapat ay aprubado rin ito sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Export Zone Autho­rity (PEZA) at lokal na pamahalaan ng Pasay City.

“Public safety and security are our concern now. Let us not anymore draw lines. Please ensure that the public is safe before you even consider re-opening this (RWM) facility. Do we have your assurance?,” pahayag ni Fariñas.

Sa panig ng pamunuan ng RWM sinabi ni David Chua Ming Huat, chairman of the Board Of Directors ng Travelers International Hotel Group, Inc. na may-ari at operator na makakasa ang publiko na hindi na makokompromiso ang kaligtasan nito.