Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara pinasa cash aid sa mga magsasaka

0 65

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga magsasaka na nagtatanim ng palay sa lupain na ang sukat ay dalawang hektarya pababa.

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill No. 9950 sa sesyon ng Kamara nitong Miyerkoles. Tumanggap ito ng 195 boto.

Sa ilalim ng panukala, ang gagamiting pondo ng Department of Agriculture (DA) sa programa ay ang sosobra sa P10 bilyong makokolekta sa buwis na ipinapataw sa imported na bigas.

Inaatasan ang Bureau of Customs (BOC) na ibigay sa DA ang sosobra sa P10 bilyong makokolekta nito. Kailangan din magsumite ng ulat sa Kongreso ang DA at BOC kaugnay sa pagpapatupad nito tuwing katapusan ng taon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.