Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara pipigain FDA sa kabagalan

0 231

Naghain ng resolusyon ang dalawang lider ng Kamara upang paimbestigahan ang umano’y mabagal na proseso sa pag-apruba ng mga gamot na maaaring gamitin sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa inihaing House Resolution No. 1711, hiniling nina Speaker Lord Allan Jay Velasco at Deputy Speaker Bernadette Herrera sa House committee on good government and public accountability na magsagawa ng imbestigasyon.

Noong Marso 31, 2020, ipinalabas ng Department of Health (DOH) ang Memorandum 2020-0138 kaugnay ng clinical practice guidelines sa COVID-19.

Ang Food and Drug Administration (FDA) naman ay naglabas ng Circular 2020-12 para sa pagpaparehistro ng mga gamot na papayagang gamitin sa paggamot sa mga pasyenteng may COVID-19.

“Whereas, said FDA Circular and other related guidelines have been questioned for being arbitrary, bureaucratic, and inhumane for causing unnecessary delays in the approval and clearance of drugs and therapeutics for emergency use authorization (EUA) or for use of drugs under compassionate special permit against the dreaded COVID-19 disease,” saad ng resolusyon.

Inihain ang resolusyon sa gitna ng debate kung dapat na payagang gamitin ang Ivermectin sa paggamot sa mga pasyenteng may COVID-19.

Nauna ng sinabi ni Velasco na desperado na ang mga tao sa paghahanap ng lunas sa sakit at nais magkaroon ng alternatibong gamot laban sa COVID-19. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.